Philippine Travel Blog Rotating Header Image

Biyahe Tayo : Wow Philippines Biyahe Tayo Video and Lyrics

Hello there! Are you now planning for your next Summer Vacation in the Philippines? Checkout our list of Hotels in the Philippines for your accommodation needs.

Artists: Lea Salonga, Sharon Cuneta, Freddie Aguilar, Rey Valera, Rico Puno, Joey Ayala, Apo Hiking Society, Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Jolina Magdangal, April Boy Regino, Jessa Zaragoza, Paolo Santos, Nina and Rico Blanco of Rivermaya, John Lesaca, and Jong Cuenco

Biyahe Tayo Lyrics:

Ikaw ba’y nalulungkot
Naiinip, nababagot?
Ikaw ba’y napapagod
Araw gabi’y puro kayod?

Buhay mo ba’y walang saysay
Walang sigla, walang kulay?
Bawa’t araw ba’y pareho
Parang walang pagbabago?

Tara na, biyahe tayo
Kasama ang pamilya
Barkada at buong grupo
Para mag-enjoy nang todo.

Halika, biyahe tayo,
Nang ating makita
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino.

Napasyal ka na ba
Sa Intramuros at Luneta
Palawan, Vigan at Batanes
Subic, Baguio at Rice Terraces?

Namasdan mo na ba
Ang mga vinta ng Zamboanga
Bulkang Taal, Bulkang Mayon
Beach ng Boracay at La Union?

Tara na, biyahe tayo
Mula Basco hanggang Jolo
Nang makilala ng husto
Ang ating kapwa-Pilipino.

Halika, biyahe tayo,
Nang ating makita
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino.

From city to city,
Seven thousand and a hundred plus islas
Sa mahal kong Pilipinas
Luzon, Visayas, Mindanao ating puntahan.
Huwag maging dayuhan sa sariling bayan!

Nasubukan mo na bang
Mag-rapids sa Pagsanjan
Mag-diving sa Anilao
Mag-surfing sa Siargao?

Natikman mo na ba
Ang sisig ng Pampanga
Duriang Davao, Bangus Dagupan
Bicol Express at Lechong Balayan?

Tara na, biyahe tayo,
Nang makatulong kahit pano
Sa pag-unlad ng kabuhayan
Ng ating mga kababayan.

Halika, biyahe tayo,
Nang ating makita
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino.

Nakisaya ka na ba
Sa Pahiyas at Masskara
Moriones at Ati-Atihan
Sinulog at Kadayawan?

Namiesta ka na ba
Sa Peñafrancia sa Naga
Umakyat sa Antipolo
Nagsayaw sa Obando?

Tara na, biyahe tayo
Upang ating matamo
Ligaya at pagkakaibigan
Kaunlaran, kapayapaan.

Halika, biyahe tayo,
Nang ating makita
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino.

Tara na, biyahe tayo
Upang ating matamo
Ligaya at pagkakaibigan
Kaunlaran, kapayapaan.

Halika, biyahe tayo
Nang ating makita
Ang ganda ng Pilipinas
Ang galing ng Pilipino.

Halika, biyahe tayo…
WOW Philippines…

Incoming search terms:

  • biyahe tayo lyrics
  • tara na biyahe tayo lyrics
  • wow philippines lyrics
  • lyrics of wow philippines
  • byahe tayo lyrics
  • lyrics of byahe tayo
  • lyrics of tara na biyahe tayo
  • wow philippines video
  • pictures of departments of the philippines
  • lyrics tara na biyahe tayo
[Slashdot] [Digg] [Reddit] [del.icio.us] [Facebook] [Technorati] [Google] [StumbleUpon] DVD Kopien und Audiobearbeitung von TVR Video am Bodensee
Fertiggarage in verschiedenen Ausfuehrungen

3 Comments

  1. Julius says:

    I missed my birthplace, Davao City. Truly Philippines is one of the wonders of the world like Costa Rica.

  2. Ang galing! Binabati ko ang lahat ng sumoporta at lumikha ng ng awiting “Biyahe Tayo” sa pamamagitan ng pagsalin sa video at naipahatid ninyo ang lahat ng kagandahan ng kapaligiran, ipiritu at awiting na nakapagbibigay ligaya ng damdamin ng bawat isang pilipino. MABUHAY kayong lahat!

  3. kate says:

    I wan’t to expirience some traveling like this… I so very happy if I am here with they…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*


*

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Get Adobe Flash playerPlugin by wpburn.com wordpress themes